May mga natutuwa lalo na yong mga hindi OFW at nasa labas ng Saudi Arabia. Mayroon pa nga nagsisigaw na dahil daw sa kaniya or sa kanila ay natanggal ang Kafala system ng Saudi Arabia.
Habang marami naman sa mga OFW na nasa Saudi Arabia ang nababahala na kung matatanggal ang Kafala System ay malaki ang posibilidad sila na ang pababayarin ng mga yearly fees tulad ng Iqama, Health Insurance, GOSI-OHB, Workers Tax at iba pa na kasalukuyang obligasyon ng employer sa kanyang worker.